Category talk:Saint Luke Chapel (Tuktukan, Guiguinto, Bulacan)

From Wikimedia Commons, the free media repository
Jump to navigation Jump to search

PANGUNAHING PAGKAKAKILANLAN

Pangalan ng Kapilya - SAINT LUKE THE EVANGELIST CHAPEL Kinikilalang Patron - San Lukas Ebanghelista Araw ng Kapistahan - Oktubre 18 Lokasyon - MacArthur Highway, Tuktukan, Guiguinto,

 Bulacan 3015 Philippines

Taon ng Pagkakatayo - 1800s (?)


MAIKLING KASAYSAYAN NG KAPILYA

Walang makapagsabi kung kailan naitayo ang Kapilya ni San Lukas Ebanghelista sa Barangay Tuktukan, Wala ring makapagsabi kung bakit si San Lukas Ebanghelista ang kinilalang patron ng mga taga-barangay upang iluklok sa kanilang kapilya. Isa lamang ang tiyak kaugnay sa kasaysayan nito - ang kapilya ay naroon na noong 1800s o bago pa sumapit ang 1900s. Ayon sa mga matatandang nakarinig ng mga kuwento sa kanilang mga ninuno mula sa nagdaang panahon ay isa lamang maliit na istraktura ang kapilyang ito na yari sa pawid ang bubong at yari sa kawayan at mgakahoy ang dingding kung saan naroon na si San Lukas Ebanghelista bilang patron.

Sa paglipas ng mga taon hanggang sa pagsapit ng kalagitnaan ng 1960s ay binubuksan lamang ang kapilya tuwing panahon ng Mahal na Araw upang ganapin ang pagbasa ng pasyon. Gayundin tuwing may mga malalaking pagdiriwang katulad ng Kapistahan ni San Lukas Ebanghelista at ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo tuwing buwan ng Oktubre na sinisimulan ng nobenaryo sa loob ng siyam (9) na araw at pagdiriwang naman ng Banal na Misa sa itinakdang araw ng kapistahan. Wala ding ginaganap na Banal na Misa sa kapilya noong mga panahong iyon tuwing araw ng Linggo o araw ng Sabado kung “anticipated mass.”

Ang kapilya ay naging saksi rin sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil ang kaliwang gilid nito kung nakaharap sa altar ay nagsilbing libingan ng ilang mga Pilipinong sinawing palad ng panahong iyon ng digmaan. At sa pagtatapos nga nito noong 1945, ang Kapilya ni San Lukas ay nagsimula nang muling maipaayos. Naging aktibong muli ang maraming mga tao na nagbunsod sa pagtatatag ng maraming mga samahang mangangasiwa nito katulad ng Samahang Katandaan, Samahang Kababaihan at Samahang Kabataan.

Taong 1966 ay nagsimulang magkaroon ng pagdirwang ng Banal na Misa tuwing unang linggo ng buwan sa pangunguna ng ilang mga namumuno sa simbahan nang panahong iyon. Kabilang sa mga paring nagmisa sa kapilya noon ay sina Padre Carlos Bernardo, Padre Leopoldo Nazareno,Padre Feliciano Palma, Padre Teofilo Rustia, Padre Epitacio Castro at Padre Deogracias Eniguez.


Pagsapit naman ng mga unang taon ng 1970s ay nagsimula nang magkaroon ng pagdiriwang ng Banal na Misa sa Kapilya ni San Lukas dahil sa masipag at may determinasyong panunungkulan at paglilingkod ng bumubuo ng pamunuan ng panahong iyon na kinabibilangan ng Samahang Katandaan, Samahang Kababaihan at Samahang Kabataan ng Tuktukan. Simula noon, ang pagdiriwang ng mga Banal na Misa na ito ay patuloy pang ginaganap hanggang sa panahong kasalukuyan.

Simula pa noong matapos ang dekada ng 1940s o bago sumapit ang dekada ng 1950s hanggang sa pagsapit ng dekada ng 1990s ay naging aktibo ang mga samahang naitatag noon na nagsama-samang kumilos upang mapaunlad ang kapilya. Hindi rin malilimutan ang pakikibahagi ng iba pang mga samahang pansimbahan nang mga panahong iyon katulad ng Hijas de Maria (1950s) at Tuktukan Youth Club (late 1970s). Sa paglipas pa ng mga panahon ay sumibol na rin ang Saint Luke’s Choir (1985) at Acolytes of Saint Luke (1990s). Ang huling dalawang (2) dekada din ng nakaraang milenyo ay nagbunsod upang sumibol nang tuluyan sa Kapilya ni San Lukas ang mga pangkat ng mga Lectors/Commentators, Mother Butlers, Lay Ministers, Adoracion Nocturna Filipina, PAKSA - Tuktukan, at marami pang iba. At sa pagsapit nga ng taong 1994 ay umiral na ang Pastoral Council System kaya ang mga nasabing samahan ay napaloob na sa Barangay Pastoral Council ng Tuktukan na patuloy pa ring umiiral hanggang sa kasalukuyan.

Kaugnay naman ng mga pagpapaayos ng nasabing kapilya, ang pagsisimula ng ganap na pagpapaayos nito ay noon pang matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig. Nagsimula ang malakling pagpapagawa nito ay noong dekada 50 sa pamamagitan ng Samahang Katandaan ng Tuktukan sa pangunguna ng mga naging pangulo nito katulad nina ni G. Antonio Enriquez at ni G. Rafael de Castro na sinundan naman ng iba pang mga nanungkulan. Ang kasunod naman ng malaking pagpapaayos nito ay noong dekada 80 sa pangunguna ng pangulo ng Samahang Katandaan na si G. Lamberto Enriquez samantalang ang malaking pagpaaayos naman ng retablo at altar ay noong taong 2005 at 2006 sa pangunguna ng Tagapangulo ng Sub-Parish Pastoral Council ng Tuktukan na si G. Edwin Estabas. Sa kasalukuyan ay makikita pa rin sa loob ng Kapilya ni San Lukas Ebanghelista ang mga bakas ng mga ala-ala ng mga nakaraang panahon na mahigit limampung taon nang iniingatan. Ilan dito ay ang dalawang malaking painting na makikita sa magkabilang gilid ng pintuan matapos pumasok sa loob ng kapilya.


MGA MAHAHALAGANG PROYEKTO AT PROGRAMA

Taunang Pagdiriwang ng Banal na Misa Para sa Miyerkules ng Abo Taunang Pagbasa ng Pasyon Taunang Flores de Mayo Taunang Pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima

 (Tuwing Mayo 13)

Taunang Pagdiriwang ng Kapistahan ni San Lukas Ebanghelista,

  kabilang ang siyam na araw na nobenaryo (Tuwing October 18)

Taunang Pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo

  Rosaryo, kabilang ang isang buwang nobernary (Huling Linggo ng 
  Oktubre)

Taunang Pagdiriwang ng Banal nsa Misa Para sa Simbang Gabi

  (Simula Disybre 15 – Disyembre 23 gabi-gabi)

Taunang Pagdiriwang ng Misa ng Pasko (Disyembre 24 ng gabi) Taunang Pagdiriwang ng Misa ng Bagong Taon (Tuwing Disyembre

  31 ng gabi)

Tunang Pagtuturo ng Katekismo “First Communion” sa mga mag-

  aaral ng Tuktukan Elementary School sa pangunguna ng PASKA – 
  Tuktukan — Preceding unsigned comment was added by 122.2.102.194 (talk) 06:35, 23 March 2022 (UTC)[reply]